SKK
Sana kaya rin kitang balewalain
At hindi ka isipin sa bawat araw na mga mata ko’y mumulat
Sana kaya kitang limutin
At hindi alalahanin ang sa atin ay lumipas
Sana kaya kong indahin
Ang hapdi ng bawat sandali na tayo’y magkahiwalay
Kaso Hindi.
Tula ng paghanga (Unang Saknong)
ako’y tutula
at sa unang saknong
aking ipababatid
ang aking paghanga
sa isang marikit na dilag
at magandang dalaga
ngunit sa ngayon
maari bang iyo munang hintayin ang susunod na kabanata?
Salmo ng luhang pumapatak (ikalawang bahagi)
nais kong ngumiti
sa kabila ng mga luhang nangingilid
sa aking mga mata
na sa pagpatak ay patuloy na nagbabadya
hindi ko na maikakaila
ang nadaramang lumbay
na iyong iniwan noong ika’y lumisan
ipagpaumanhin ang aking pagtangis
paraan lamang upang pakawalan
ang aking hinagpis
ito ang salmo ng mga luhang pumapatak
ang patuloy na mangarap
na ikaw ay muling mayakap
Salmo ng luhang pumapatak (unang bahagi)
Hindi naman masama ang lumuha. Kung ang hangad nito’y ibsan ang walang patid na lumbay dulot ng matagal na pagkakawalay.
Ngayong Gabi
Malamig na gabi
Bati ng hangin
Nang ito’y dumampi
Sa aking pisngi
Munting paalala
Na sa’king paghimbing
Wala ka sa aking piling
Muling mananaginip
Habang ang diwa’y himbing
Na akoy’ akap mo ng mahigpit
At iyong minutawi
Na ako’y ‘di ipagpapalit
Ito ang aking sandigan
Upang bukang liwayway
Ay aking magisnan
Mananalig sa iyong pangako
Na ako lamang ang laman ng iyong puso